Cauayan City, Isabela- Umabot sa halagang P6,000,000 na marijuana plants ang sinira ng mga otoridad sa Tinglayan, Kalinga.
Pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit/Drug Enforcement Unit (PIU/DEU) ng Kalinga PPO, Tinglayan MPS, Lubuagan MPS, 1st KPMFC at 2nd KPFMC, RDEU PROCOR, RID PROCOR, 1503rd RMFB15, PDEA Kalinga, PDEA R2 sa koordinasyon ng PDEA COR.
Nagpatupad ng OPLAN 12 Mike Budha Grass sa loob ng tatlong (3) araw para sirain ang nasabing taniman ng marijuana.
Tinatayng nasa 5,000 square meters o katumbas ng 30,000 fully grown marijuana plants ang kanilang sabay-sabay na pinagsisira.
Wala namang naaresto na posibleng nasa likod ng malawak na taniman ng marijuana sa lugar.
Tiniyak naman ng KPPO na magtutuloy ang kanilang operasyon para masigurong wala ng presensya ng iligal na droga sa probinsya.