Mga LGUs, mas mainam na direkta kay Gen. Galvez sa halip na ipa-supervise sa iba’t ibang cabinet members

133

Hindi komporme si Senator Sherwin Gatchalian sa pagtatalaga ng isang miyembro ng gabinete ng Pangulo sa bawat Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR).


Giit ni Gatchalian, mas mainam na dumiretso na ang LGU kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Gen. Carlito Galvez Jr.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang pagtatalaga kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña sa Valenzuela City na aniya’y hindi naman miyembro ng COVID-19 National Task Force kaya siguradong dudulog din ito kay Gen. Galvez.

Diin ni Gatchalian, subok na si Gen. Galvez na mabilis umaksyon o gumawa ng paraan kaya siguradong kayang-kaya nitong tugunan anuman ang concern ng 17 LGUs sa Metro Manila kaugnay sa COVID-19 response.

Facebook Comments