ILIGAL | No. 8 protocol plates, expired na noong pang 2016 – LTO

Manila, Philippines – Iligal na ginagamit ng mga motorista, kabilang na ng mga mambabatas ang number 8 protocol plates.

Paglilinaw ng Land Transportation Office (LTO) – taong 2016 pa expired ang otsong plaka at hindi na nakapag-produce nito para sa 17th Congress.

Aminado si LTO Law Enforcement Service Dir. Francis Almora na may ilang mambabatas ang hindi talaga nagsauli ng plaka matapos ang expiration nito.


Kahapon, matatandaang ipinag-utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbawi sa otsong plaka.

Kasunod ito ng eskandalong kinasangkutan ng isang Toyota FJ Cruiser na gumagamit ng protocol plate kung saan nagpakilala ang sakay nito na kamag-anak ng isang congressman.

Samantala, ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya – makikipag-ugnayan na rin sila sa mga law enforcement agency para kumpiskahin ang mga otsong plaka.

Facebook Comments