LIGTAS | 6 na biktima ng human trafficking patungong Korea, nasagip

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport sa Angeles city, Pampanga ang pag-alis patungong South Korea ng anim na biktima ng human trafficking.

Pawang mga babae ang mga biktima na pasakay na sana ng JinAir flight patungong Incheon, South Korea.

Nasa pangangalaga na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mga biktima para sa kaukulang ayuda at imbestigasyon.


Nabatid na ang nasabing mga babae ay ni-recruit para magtrabaho bilang nightclub entertainers sa South Korea.

Facebook Comments