Iligan Mayor Regencia, nanawagan sa taga-lungsod na gumamit ng armas laban sa mga terorista

Manila, Philippines – Hinimok na ni Iligan Mayor Celso Regencia ang mga residente na may baril na maghanda para labanan ang mga terorista.

Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Año – nakatanggap sila ng ulat na plano ng Maute group na sakupin din ang lungsod.

Panawagan ngayon ni Mayor Regencia sa mga taga-Iligan – gamitin na ang mga baril, para hindi matulad ang kanilang lunsod sa sinapit ng Marawi.


Para naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – dapat dumaan sa masusing pagsasanay ang mga sibilyang hahawak ng armas.

Kasabay nito, iminungkahi rin ng mga alkalde sa Lanao Del Sur na armasan na rin ang mga barangay officials bilang proteksyon.
DZXL558

Facebook Comments