‘Paggamit ng armas’, gagamitin lamang sa bahay ayon sa Iligan Public Information Officer

Manila, Philippines – Nilinaw naman ng Iligan Public Information Office (PIO) ang panawagan ni Mayor Celso Regencia na gumamit ng armas ang mga sibilyan para labanan ang Maute Group.

Sa interview ng RMN kay Jose Pantoja, Public Information Officer – gagamitin lamang ng mga residente ang mga armas kapag may nakitang kahina-hinala o pumasok sa kanilang bahay.

Kinumpirma rin ni Pantoja na may nakatakas na Maute Group sa Marawi at nagtatago sa Iligan.


Samantala, nakatakda namang ilibing sa Huwebes o Biyernes ang 13 bangkay kabilang ang tatlong bata na nasawi sa bakbakan na walang nag-claim na kamag-anak.
DZXL558

Facebook Comments