Ililipat na ngayong araw ang makasaysayang Balangiga bells sa Eastern Samar.
Ayon kay Department of National Defense (DND) spokesperson Arsenio Andolong – ang mga kampana ay aalis sa Villamor Airbase, Pasay City lulan sa isang Philippine Air Force (PAF) C-130 cargo plane ganap na alas-6:00 ng umaga.
Nakatakdang dumating ang mga kampana sa destinasyon nito alas-8:30 ng umaga.
Paglapag ng eroplano sa Guiuan, Eastern Samar ihahatid ang kampana sa bayan ng Balangiga.
Sinabi ni Andolong – ang pormal na paglipat ng kampana sa Balangiga Parish ay pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana bukas, ganap na alas-3:00 ng hapon.
Si Borongan Bishop Crispin Vasquez ang pormal na tatanggap ng mga kampana mula sa DND.
Ang turn-over ceremony ay inaasaahang dadaluhan nina U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim at Davao Archbishop Romulo Valles.