PINURI | Sipag, tiyaga ni Manny Villar, dapat gawing inspirasyon – PRRD

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Manny Villar kasabay ng pagdiriwang ng ika-69 na kaarawan nito.

Kinilala ng Pangulo ang mga makabuluhang kontribusyon ni Villar sa bansa.

Naniniwala si Pangulong Duterte na dapat gawing inspirasyon ng mga Pilipino ang kasipagan at pagpupursige ni Villar para makamit ang hinahangad sa buhay.


Nagbiro pa ang Pangulo na ginamit sana niya noong kampanya sa 2016 elections ang katangian ni Villar na ‘sipag’ at ‘tiyaga’.

Ang pagpapasinaya sa Las Piñas Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center at Mella Hotel ay patunay sa patuloy na pagsisikap ni Villar na i-angat ang buhay ng bawat Pilipino.

Facebook Comments