Manila, Philippines – Sa pagtalakay ngayong araw ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, posibleng maungkat ang ill-gotten wealth ni COMELEC Chairman Andres Bautista Jr.
Ayon kay Cibac Rep. Sherwin Tugna, Chairman ng nasabing komite, inaasahang mauungkat sa pagharap ni Bautista ang mga sinasabing 1Bilyong tagong yaman nito na ibinulgar ng asawa nitong si Patricia Paz Bautista.
Paliwanag ni Tugna, hindi maiaalis na matatalakay ito sa pagdinig sa postponement ng barangay at SK election lalo’t marami ding katanungan ang mga mambabatas.
Sinabi ni Tugna na bibigyan ng kanyang komite ang pinuno ng Comelec na sagutin ang mga akusasyon sa kanya at ipaliwanag ang kanyang panig sa mga kongresista.
Sa panig naman ng Minorya sa Kamara, nais ng mga itong malaman mula sa pinuno ng Comelec kung kailan nito nakuha ang sinasabing P1B yaman.