ILLEGAL CHARGING? | LTFRB, pinagpapaliwanag ang Grab tungkol sa two pesos per minute charge

Manila, Philippines – Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ride-sharing company na Grab ng limang araw para magpaliwanag hinggil sa dalawang piso na kada minutong singil sa kanilang biyahe.

Kasunod ito ng pahayag ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles na aabot sa 1.8 billion pesos ang illegal charging ng Grab sa mga pasahero nito.

Ayon sa LTFRB, walang pahintulot mula sa kanila ang sinasabing two pesos charging per minute ng Grab.


Ilegal ang nasabing singil, dahil bukod sa 40 pesos flagdown rate ay mayroon pang 10 hanggang 14 pesos na singil kada kilometro.

Facebook Comments