Mga Labi ng Limang Sundalong Nasawi sa Bakbakan sa Sulu, Iuuwi sa Lalawigan ng Isabela Ngayong Araw!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang maiuwi ngayong araw dito sa Lalawigan ng Isabela ang mga labi ng limang sundalo na nasawi (KIA) sa bakbakan laban sa mga Abu Sayyaf makaraang araw sa Brgy Liang, Patikul, Sulu.

Inaasahang mailapag ng C130 plane ang mga labi ng mga nasawing sundalo mula sa 41st Infantry Battalion ng 5th Infantry Division, PA mamayang alas tres ng hapon sa Tactical Operations Group (TOG2), Cauayan City, Isabela.

Ito ay pangungunahan ng pamunuan ng 5th ID sa pamumuno ni Major General Perfecto Rimando Jr, Commanding General ng 5th ID, PA kasama ang pamilya ng mga nasawing militar.


Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Renhart Macad ng Tabuk City, Kalinga, Corporal Bryan Apalin ng Bangued, Abra, Corporal John Raphy Francisco ng Ilagan City, Isabela, Corporal Marlon Manuel ng Cauayan City, Isabela, at si Private First Class Jordan Labbutan ng Rizal, Kalinga.

Facebook Comments