ILLEGAL DRUG TRADE | NBI, tumutulong na rin sa paghahanap kay Peter Go Lim

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na tumutulong na rin ang NBI sa paghahanap kay suspected drug lord Peter Lim.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng Makati RTC ng warrant of arrest laban kay Lim.

Kinumpirma rin ni Guevarra na inilagay na si Lim sa derogatory list ng Bureau of Immigration (BI) matapos magpalabas ng Hold Departure Order (HDO) ang Makati City Regional Trial Court.


Ayon kay Guevarra, nananatili pa rin sa bansa si Peter Go Lim maliban na lamang kung siya ay dumaan sa backdoor.

Una na ring binigyan ng Makati RTC ng kopya ng warrant of arrest laban kay Lim ang PNP-CIDG.

Facebook Comments