BRONZE MEDALIST | Pilipinas, may dalawang bronze na sa Asian Games

Indonesia – Nakasungkit ang Pilipinas ng dalawang medalya sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sa kabila ng pagkatalo sa China, naiuwi ng team nina Dustin Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes Jr. ang bronze medal sa semifinals ng Taekwondo Men’s Team Poomsae Event.

Samantala, bronze medalist din ang women’s team ng Pilipinas matapos talunin ang Korea.


Kabilang sa naturang grupo sina Juvenila Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva.

Todo paghahanda naman ang men’s basketball team sa magiging laban nila bukas kontra sa malakas na team ng China.

Facebook Comments