ILLEGAL DRUGS | Pagdinig sa kaso ni De Lima, posibleng idaos na sa Kampo Aguinaldo

Manila, Philippines – Kapag pinagbigyan ng hukuman.

Idaraos na ang mga susunod na pagdinig sa kaso ni Senadora Leila De Lima kaugnay ng umano ay kalakaran ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Atty. Boni Tacardon, legal counsel ni De Lima inihirit ng prosekusyon na sa Kampo Aguinaldo na lamang idaos ang pagdinig dahil doon din naman naka ditene ang ilan nilang testigo.


Kabilang na dito sina Herbert Colangco, Robert Durano, Jerry Pipino, Noel Martinez, German Agojo, Jaime Patio, Thomas Donina at Rodolfo Magleo na kalaunay naging state witnesses laban sa senador.

Samantala kanina sa pre-trial hearing, iprinisinta ng prosekusyon ang una nilang testigo na si dating Philippine National Police Deputy Chief for Operations Director Benjamin Magalong at muli nitong sinabi na hindi ang CIDG ang nagsagawa ng raid sa Bilibid kung hindi si noon ay DOJ Secretary De lima at ang mga tauhan ng NBI.

Hindi naman naaksyunan ng korte ang hirit ng kampo ni De Lima na motion to disqualify witnesses habang hindi rin naresolba ang hirit ng prosekusyon na baguhin ang sequence o pagkakasunod-sunod ng kanilang mga testigo.

Sa susunod na Martes, September 18 itinakda ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang susunod na pagdinig.

Facebook Comments