Illegal drugs sa bansa, hindi na kontrolado – PRRD

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya makontrol ang ilegal na droga sa bansa.

Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malabon City kagabi, sinabi ng Pangulo na lumalala ang droga lalo at napapansin niyang maraming drug shipments ang narerekober ng mga awtoridad.

Ikinagalit din ng Pangulo ang pagkakasangkot ng ilang police officials sa kalakalan ng droga at maglalabas siya ng dokumento kaugnay nito.


Itinanggi rin ng Pangulo nagbayad siya ng limang milyong piso para may ipapapatay.

Una nang sinabi ni PNP Chief, Police General Oscar Albayalde na inilalabas lamang ng Pangulo ang kanyang galit dahil sa maraming drogang nasasamsam sa pinaigting na kampanya kontra droga.

Facebook Comments