ILLEGAL DRUGS | Sen. Lacson, pinapatutok ang PDEA sa mga bigtime drug trader

Manila, Philippines – Pinapatutukan ni Senator Panfilo Ping Lacson sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga malalaking supplier ng ilegal na droga at ipaubaya na lamang sa pulis ang mga nagtutulak ng droga sa kalye.

Iginiit ito ni Lacson, sa isinagawang pagdinig ng Senado sa panukalang mahigit 1.9 billion pesos na pondo para sa PDEA at mahigit 258-million pesos naman para sa Dangerous Drugs Board o DDB sa susunod na taon.

Katwiran ni Lacson, ilang beses ng nalulusutan ng mga malalaking kargamento ng ilegal na droga ang Bureau of Customs o BOC kaya dapat mas maging alisto ang PDEA at DDB.


Pinuna din ni Lacson, ang sistema ng pag-iimbak ng PDEA sa mga kumpiskadong droga na ginagamit na ebidensiya sa mga akusado dahil may mga nakakalusot pa rin sa kaso.

Sa pagdinig ay nasiwalat din na ang purong shabu ay hinahaluan ng ibang sangkap tulad ng albatros at kendi ng mga drug retailers upang mas lumaki ang benta ng mga ito.

Facebook Comments