Illegal fish cages sa Cavite, sinira ng PCG

32 illegally structured fish cages at stationary fish traps sa karagatan sa Cavite City ang sinira ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kaugnay nito, nanawagan naman ang Coast Guard sa mga may-ari na magkusa nang sirain ang kanilang illegal fish cages.

Nananatili naman ang pwersa ng PCG sa lugar para tumulong sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Cavite City Local Government Unit (LGU) sa pagbabantay laban sa mga iligal na structured fish cages at stationary fish traps sa lugar.


Ang joint operation ng PCG at DENR ay alinsunod sa Supreme Court ruling sa 13 government agencies hinggil sa pagpapatupad ng Writ of Mandamus kaugnay ng Manila Bay Pollution and Republic Act No. 9993 o ang Philippine Coast Guard Law of 2009.

Facebook Comments