Ito ang kinumpirma ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan.
Tinalakay rin ng opisyal ang pinaigting na proteksyon sa kagubatan at kampanya laban sa Illegal logging katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Nakapagtala lamang ng dalawang insidente ng pagkahuli sa mga illegal na produkto na may volume na five cubic meters.
Kasabay naman nito ang dalawampu’t anim na inilatag na checkpoints sa iba’t ibang parte ng rehiyon dos.
Inatasan naman ni Bambalan ang mga miyembro ng monitoring team na maging mapagmatyag upang matiyak na mapapanagot ang mga lalabag sa mga naninira ng kalikasan.
Lumikha na rin ng Regional at Provincial Environmental Law Enforcement Councils na siyang tututok sa pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.