Tindahan ng mga imported na gulay sa Maynila, sinalakay ng mga awtoridad

75

Ni-raid ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mga puwesto ng gulayan sa Divisoria at Tondo, Maynila.

Kasunod ito ng mga natatanggap na report ng bentahan ng mga imported na gulay na hindi dumaan sa tamang proseso ng pamahalaan.

Kabilang sa mga nasabat ng mga awtoridad daang kilo ng imported carrots at luya mula sa China.


Kabilang sa nanguna sa raid ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at National Intelligence Coordinating Agency.

Facebook Comments