ILLEGAL LOADING AND UNLOADING AT BEATING THE RED LIGHTS, MADALAS NA TRAFFIC VIOLATION NG MGA DRIVERS SA DAGUPAN CITY

Pinag-iigting ngayon sa lungsod ng Dagupan ang pagpapatupad ng mga batas trapiko dahil hanggang ngayon ay marami pa rin umano ang mga drivers na pasaway.
Isa sa may pinakamataas na kaso ng traffic violation na nilalabag ng mga drivers sa Dagupan City ay ang beating the red light o mga pampasaherong sasakyan na tuloy sa pagmamaneho kahit pa naka-pula ang traffic lights.
Ang illegal loading and unloading na batas trapiko ay nakakapagtala ang POSO Dagupan ng maraming paglabag nito.

Ang hindi naman pagsuot ng helmet lalo na ang mga motorista ay ang may pinakamataas na violation fee na nagkakahalaga ng P1500. At ayon sa nakapanayam na POSO Officer ng IFM Dagupan ay madalas ang mga ganitong paglabag sa gabi.
Matatandaan na kailan lamang ay naipatupad ang 24/7 na na duty ng mga traffic enforcers sa lungsod at layunin nitong mapanatili kahit sa gabi ang kaayusan sa daloy ng trapiko at upang maiwasan din ang mga road incidents.
Samantala, paghihikayat ng ilang traffic enforcers ay mas mainam kung sumunod ang mga tricy and jeepney drivers sa ipinapatupad na batas trapiko upang hindi na magmulta at mahigpit din umano itong ipinatupad para sa kanilang kapakanan din. |ifmnews
Facebook Comments