HIGIT DALAWANG LIBONG PRE-VALIDATED CLAIMANTS SA BAYAMBANG, BAHAGI NG BAGONG BATCH NG DOLE TUPAD BENEFICIARIES

Sa muling pag-rerelease ng DOLE ng kanilang bagong batch ng payment, may higit dalawang libo o 2,516 na pre-validated claimants sa bayan ng Bayambang ang dumating sa pinakahuli nilang napiling benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Displaced Workers.
Galing umano ang napiling benepisyaryong ito sa mga kinabibilangan miyembro ng KALIPI, TODA, Listahanan, at ERPAT, at mga VAWC victims.
Sa pagdating ng mga ito sa releasing of TUPAD payout ay nakatanggap ang mga ito ng sweldo na nagkakahalaga ng P3,700 hanggang P4,000 na depende sa rate na kanilang inabutan para sa ten days emergency employment.

Naisagawa naman ang pamamahagi ng payout na ito ng DOLE sa tulong ng PESO-Bayambang at present din ang ilang opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan. |ifmnews
Facebook Comments