Illegal Online Gaming At Small Town Lottery Operations Sa Bansa – Tutukan Ng Justice Department Na

13

MANILA – Tiniyak ng Department of Justice na hahabulin nila ang mga illegal online gaming casino sa bansa.Bukod rito, sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na hahabulin din nila ang tax liabilities ng Small Town Lottery (STL) operations sa bansa.Ayon sa kalihim, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang hindi pagbabayad ng tamang buwis ng mga STL.Giit ni Aguirre, gusto ng pangulo na makalikom ng mataas na porsiyento ng revenues mula sa STL operations at matiyak na lahat ng mga kolesyon mula dito ay ma-remit sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).Aminado naman ang kalihim na matagal nang ibinigay sa kanya ng pangulo ang nasabing assignment pero na-delay ito dahil mas napagtuunan niya ng panahon ang illegal online gaming operations.

Facebook Comments