Malakanyang, Binatikos Ang Media

6

MANILA – Binatikos ng Malakanyang ang media dahil sa diumanoy maling interpretasyon sa panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa martial law.Tinawag ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar – na iresponsable ang mga naglabasang balita na mahigpit na isinasaalang-alang ni Pangulong Duterte ang pagdedeklara ng batas militar.Ayon kay Andanar – ang mga kahalintulad na impormasyon ay lumilikha lamang ng panic at kalituhan sa publiko.Giit ng kalihim – malinaw ang paninindigan ng Presidente na isantabi ang martial law maliban na lamang kung may rebelyon at pananakop.

Facebook Comments