Illegal Online Gaming Sa Fontana Leisure Park, Pinaiimbestigahan Na Ng Dept. Of Justice Sa Nbi

15

MANILA – Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre sa National Buraeu of Investigation (NBI) ang usapin sa illegal online gaming sa Fontana Leisure Park sa Pampanga.Bukod sa masusing pagsisiyasat, ipinag-utos din ng kalihim ang malalimang case build-up para mapanagot ang nasa likod ng ilegal na online gaming na nauwi pa sa insidente ng suhulan.Pinatututukan din ni Aguirre ang pagkakasangkot ng negosyanteng si Jack Lam, Wally Sombero at maging nina Immigration Deputy Commissioner Michael Robles at Al Argosino sa usapin.Malaki anya ang maitutulong ng imbestigasyon ng nbi para matukoy ang tunay na pangyayari sa isyu ng suhulan.

Facebook Comments