Pag-Amin Ni Pangulong Duterte Sa Mga Ginawa Niyang Pagpatay Noong Alkalde Pa Lamang Siya Ng Davao, Idinepensa Ni Justice

16

MANILA – Todo paliwanag si Justice Secretary Vitalliano Aguirre sa kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.Partikular sa sinabi ng pangulo na may pinatay siyang drug suspect noong mayor pa siya ng Davao City.Sinabi ito ng pangulo sa harap ng mga negosyante sa malakanyang noong lunes.Pero, ayon kay Aguirre, hindi masasabing may ginawa ng krimen at paglabag sa batas si Pangulong Duterte sa pag-amin nito sa kanyang ginawa.Maari anyang naging eksaherado na naman si Pangulong Duterte.Nang tanungin naman kung iimbestigahan niya ang pangulo dahil sa pag-amin na mayroong napatay, sinabi ni Aguirre na wala siya sa posisyon na gawin ito.Samantala sa Cambodia, muling inulit ng pangulo ang kanyang pagbibida.

Facebook Comments