ILLEGAL PARKING | Ilang pasaway na taxi at tricycle, natiketan at na-impound ng MMDA

Pasay City – Ilang pasaway na mga taxi at tricycle ang nasita sa sidewalk clearing operation ng mmda sa lungsod ng Pasay.

Dala ang labinlimang tow trucks, sinuyod ng mga tauhan ng MMDA ang kahabaan ng Roxas Boulevard hanggang Gil Puyat Avenue.

Sa Japanese Embassy pa lang, ilang taxi na ang natiketan dahil sa illegal parking.


Habang sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang tricycle ang na-impound dahil sa pamamasada kahit walang lisensya.

Sa Buendia, tatlong sasakyan na iligal ding nakaparada sa tapat ng isang hotel ang hinila ng tow truck habang tiniketan ang mga sasakyang naka-park sa harap ng police community precinct.
Ayon sa MMDA, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng operasyon hangga’t hindi natututo ang mga pasaway na motorista.

Facebook Comments