PANININDIGAN | Desisyon ni P-Duterte na bumaba sa posisyon para sa transition government mukhang hindi na mababali – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi na mapipigilan si Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang kanyang termino sa oras na maipatupad ang federal form of government at sumailalim ang bansa sa transition government.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may paninindigan o conviction ang pananalita ni Pangulong Duterte kaya mukhang pinal na ang desisyong ito ng Pangulo.

Naniniwala din naman si Roque na igagalang ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa kongreso ang desisyong ito ng Pangulo dahil malinaw naman aniya ang pahayag ng Pangulo na ayaw na nitong manilbihan sa transitory government.


Ang gusto aniya ng Pangulo ay maghalal ang publiko ng mga bagong pinuno ng bansa sa transition period patungo sa pederalismo.

Facebook Comments