Illegal Recruiter, Timbog sa Cabagan, Isabela!

*Cabagan, Isabela- *Natimbog na ng kapulisan ang babaeng may kasong Illegal Recruitment sa bandang alas diyes y medya kaninang umaga sa Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Luzviminda Suratos Visquera, singkwentay uno anyos at residente ng Brgy. San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Luzviminda sa isinilbing Warrant of Arrest na inilabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC 2nd Judicial Region Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Illegal Recruitment.


Nakapiit na sa PNP Cabagan ang suspek at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng isang daan at dalawampung libong piso.

Facebook Comments