Illigal Mining Ipinasara!

Baguio, Philippines – Anim na illegal pocket mining site sa Itogon, Tuba Benguet ang ipinasara dahil umano sa bigo itong magkaroon ng permit mula sa Cordillera Office of the Mines and Geosciences Bureau (MGB-CAR).

Maliban sa wala permit ay isa umano ito sa inirereklamo ng mga residente sa lugar dahil umano sa ibang aktibidad ng ibang minero.

Ayon kay MGB-CAR Regional Director Eng. Fay Apil ay patuloy nilang imomonitor ang pagpapasara ng mga mining sites na ito.


Dagdag pa ni Engr. Apil, naiintindihan nilang ito ang pangkabuhayan ng mga residente doon ngunit kailangan din umanong mag comply ng mga ito sa mga requirements na kinakailangan at sumunod sa ipinag-uutos ng batas.

Facebook Comments