Lasing na Lalaki at Nanghamon ng Gulo sa Kapit-bahay, Pinagtataga!

Cauayan City, Isabela – Pinagtataga ang isang lasing na lalaki sa San Fermin Cauayan City Isabela matapos na sumugod sa kapit-bahay at nanghamon ng gulo.

Kinilala ang biktima na si Shoti Lobronio, tatlumpung taong gulang, walang asawa samantala ang suspek ay si Nelson Garcia, tatlumpu’t pitong taong gulang, may asawa, isang drayber at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, habang nakikipag-inuman umano si Lobronio sa mga kaibigan nito sa kaniyang bahay ay biglang pumunta sa bahay ni Garcia at hinamon ang huli.


Sa galit naman umano ng suspek ay kumuha ng itak at pinagtataga ng maraming beses ang biktima.

Sa resulta nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima at dinala sa pagamutan para sa karampatang lunas samantalang dinala naman ng mga opisyal ng barangay ang suspek sa himpilan ng pulisya kasama ang itak na ginamit sa pananaga at inihahanda na ang inquest proceedings para kay Shoti Lobronio.

Facebook Comments