ILO- High Level Tripartite Mission sa Pilipinas, makatutulong sa pagbalangkas ng mga panukala para sa mga manggagawang Pilipino

Tiwala si House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na malaki ang maitutulong sa Mababang Kapulungan ng International Labour Organization o ILO – High Level Tripartite Mission na gaganapin sa Pilipinas sa January 24 hanggang 27.

Sabi ni Nograles, para ito sa pagbalangkas ng Kamara ng mga panukalang batas na para sa kapakanan ng mga mangagawang Pilipino, magbibigay proteksyon sa kanilang karapatan at magkakaloob ng disenteng trabaho na makatwiran ang sweldo.

Isa ang Pilipinas sa nagratipika ng ILO Convention No. 87 o Freedom of Association and Protection of the Right to Organize Convention.


Bunsod nito ay suportado ng bansa ang hakbang ng mga manggagawa sa pagbuo ng mga asosasyon o unyon sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Ayon kay Nograles, oras na matanggap ng bansa ang resulta ng gagawing mission, ang Kamara sa pamamagitan ng pinamumunuan niyang House Committee on Labor ay agad na babalangkas ng kakailanganing batas para sa pagsusulong ng union rights at karapatan ng mga obrero.

Nabatid na kasama sa tatalakayin sa gagawing mission ng ILO ay ang insidente ng pagpatay sa mga labor leaders at ang kawalan ng aksyon sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng panggigipit umano sa mga lider o miyembro ng mga grupo ng mga manggagawa.

Facebook Comments