Hinikayat ng International Labor Organization (ILO) ang pamahalaan na imbestigahan ang mga extrajudicial killings at pang-ha-harass sa mga manggagawa.
Ayon sa ILO, dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang hakbang para matugunan ang mga isyu ng karahasan at pananakot sa mga manggagawa.
Partikular na binanggit ng grupo ang pagpatay sa 10 trade unionists sa bansa; pagkakakulong ng 17 indibidwal dahil sa red-tagging, intimidation at harassment at ang 12 kaso ng forced disaffiliation campaign.
Giit ng ILO, dapat matukoy ng pamahalaan ang mga may kasalanan at maparusahan ang mga ito.
Facebook Comments