Mga Flower Shop sa Cauayan City, Handa na para sa Valentine’s Day

Cauayan City, Isabela- Ilang araw nalang ay ipagdiriwang na ang araw ng mga puso kung kaya’y abala ang mga Flower shop sa Lungsod ng Cauayan sa pag-aayos ng kanilang mga panindang bulaklak dahil inaasahan na marami ang magpapagawa ng mga bouquet o di kaya’y bibili ng mga bulaklak.

Gaya na lamang ng mga tindahan ng bulaklak na matatagpuan sa Canciller Avenue, District 1, Cauayan City kung saan abala ang mga ito sa pag-display at paghahanda ng mga gagawing bouquet para sa mga nag-order.

Ilan sa mga panindang bulaklak ay nagkakahalaga ng Php500, Php1,500 at Php3,000 depende sa disenyo at klase ng mga ginamit na bulaklak.

Umaasa naman ang mga nagtitinda ng mga bulaklak na luwagan na ang COVID-19 restriksyon upang sila’y makabawi mula sa kanilang pagkalugi ngayong panahon ng pandemya.

Samantala, may kanya-kanyang rin pakulo ang ilang mga restaurants sa Lungsod ng Cauayan para naman sila ay mapuntahan ng mga magsing-irog o magbabarkada na gustong mag-food trip para sa Valentine’s day.

Facebook Comments