Manila, Philippines – Tatalakayin din ngayong araw sa en banc session ng Korte Suprema dito sa Baguio City ang kaso kaugnay sa tinaguriang Ilocos 6.
Ito ay kinabibilangan ng anim na lokal na opisyal ng Ilocos Norte na unang na-detain sa Kamara de Representantes.
Sa kanilang petisyon, hinihiling nila na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order para pigilin ang pagsisiyasat ng House Committee on good government and public accountability sa tobaco excise tax fund.
Ang Ilocos 6 na mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ay ikinukong noong May 29, 2017 sa Kamara matapos na hindi magustuhan ng mga kongresista ang sagot nila tungkol sa mga biniling sasakyan kung saan kinuha ang pondo sa tobaco excise tax fund na
Samantala, matapos ang halos pitong taon, inaasahang madedesisyunan na rin ng Korte Suprema ang isyu kaugnay sa constitutionality ng watch list order na unang pinigil ng hukuman nang magpalabas ito ng temporary restraining order noong 2011.
Nag-ugat ang kaso sa petisyong inihain ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Arroyo na kumukuwestiyon sa watch list order laban sa kanya ni dating Justice Secretary at ngayon ay Senadora Leila de Lima.