Manila, Philippines – Handang makipag-tulungan si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Kamara.
Ito ang iginiit ni Marcos kung in Aid of Legislation ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ayon pa sa gobernadora, nagpadala siya ng dalawang liham sa komite na humihingi ng paglilinaw sa ipinadalang summon sa kaniya kung isa lang siyang resource person.
Pero wala aniya siyang natanggap na tugon.
Gayunman, sinabi ni Marcos na ikinalungkot niya ang patuloy na pagditene sa anim nilang empleyado matapos ma-contempt dahil sa pagtangging sagutin ang mga katanungan ng mga mambabatas na nagsagawa ng pagdinig.
Nabatid na sa resolusyong inihain ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, P66.4 million na pondo umano mula sa tobacco funding ng Ilocos Norte ang ginamit sa maanomaliyang pagbili ng lalawigan sa mga sasakyan.