Ilocos Norte Governor Manotoc nadismaya sa maanghang na pahayag ng Pangalawang Pangulo sa Pamilya Marcos

iFM News Laoag – Nadismaya si Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa pagkabanggit ng kanyang inang si Senator Imee Marcos na matalik nitong kaibigan.

Ayun sa gobernador, nagulat ito ng narinig na ang kanyang Ina na si Senator Imee ay dinawit ng pangalawang pangulo sa kanyang huling mga pahayag.

Dagdag pa ni Manotoc sa kanyang pahayag na nakilala niya ang bise presidente bilang isang propesional at kabigan sa politika, ngunit nagbagao na ito at nagiging personal na para sa kanya ang lahat.

Nag-iwan pa ito ng quote mula kay Martin Luther King Jr.: na ‘”Darkness cannot drive out darkness; only light can do that. Hate cannot drive out hate; only love can do that.” Hinahangad ng gobernador ang kapayapaan sa pangalawang pangulo at hiling niya sa kanya na sana’y nasa mabuti siyang kalagayan. | via Bernard Ver @ RMN News

Facebook Comments