Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, hindi tatanggap ng “special treatment” sa mga kasamahang mambabatas

Tiniyak ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na hindi siya tatanggap ng anumang special treatment dahil sa pagiging anak ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa batang Marcos, nakahanda pa rin siyang gawin kung ano ang kanyang ginagawa noong siya ay staff pa ng kanyang tiyuhin na si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Pabirong sinabi ni Marcos na kahit kongresista na siya ay siya pa rin ang magtitimpla ng kape ng kanyang uncle na inaasahan namang susunod na magiging speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Sinabi pa ng kongresista na nauunawaan niya na ang pagiging anak ng Pangulo ay naglalagay sa kanya sa isang “unique situation.”

Sa ngayon ay hindi niya naramdaman na kakaiba siya sa mga mambabatas dahil ang mga ito ay nakilala na niya at nakatrabaho noong siya ay congressional staff pa ni Romualdez.

Facebook Comments