Umano’y party sa Malakanyang para sa kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos, isang simpleng salo-salo lang

556

Iginiit ni Senator Imee Marcos na hindi party kundi isang simple at maliit na “get together” o salo-salo lang para sa kaarawan ng kanilang ina na si dating First Lady Imelda Marcos ang ginanap sa Malakanyang nung Sabado, ikalawa ng Hulyo.

Ayon kay Marcos, hindi iyon party dahil wala namang sayawan dahil may edad na ang mga bisita kundi nag-merienda lang sila sa Malakanyang para maipagdiwang ang ika-93 kaarawan ng kanilang ina.

Sabi ni Marcos, dinaluhan ito ng kanilang pamilya, mga kaibigan at scholars ng dating unang ginang.


Diin ni Marcos, hindi nagamit ang pondo ng gobyerno dahil ang mga bisita pa ang nagdala ng pagkain at libre din ang lahat ng tumugtog.

Ayon pa sa senadora, nagbi-birthday party rin siya sa Malakanyang noong siya ay bata pa.

Binanggit ni Marcos na sa naturang selebrasyon ay sinabi ng kanilang ina na ito na ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil nagkaroon siya ng mister at anak na naging presidente habang siya ay nabubuhay pa



Facebook Comments