Ilocos Region at Baguio, bubuksan na para sa turismo sa Oktubre – DOT 

Opisyal na bubuksan simula sa susunod na buwan ang “Ridge to Reef” travel corridor program. 

Ang Baguio City at ang apat na probinsya sa Ilocos Region ay bubuksan na ang kanilang tourism destinations para sa mga lokal na turista na nakapaloob sa “tourism bubble.” 

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, tatanggap lamang sila ng mga local visitor mula Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan. 


Iginiit ni Magalong na mayroon pang kailangang resolbahin na technical issues na may kinalaman sa mga lokal na pamahalaan. 

Nasa 200 turista lamang ang maaaring pumasok sa Baguio City kada araw. 

“We are looking at October 1 as a very potential date for us to re-open in the City of Baguio. For other provinces they have their own schedule,” ani Magalong. 

Muling iginiit ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na hindi na papayagan ang “overtourism” sa ilalim ng new normal kasabay ng muling pagbubukas ng domestic tourism. 

“But all these are fluid because again, we want to restart tourism. We want to bring back the jobs of our workers.  But of course, there is still the presence of a virus so health and safety first,” sabi ni Romulo-Puyat. 

Sinisilip din ni Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc na tumanggap ng mga taga-Baguio lalo na sa Pagudpud na sikat sa white sand beaches sa October 1, 2020. 

Handa na rin si Ilocos Sur Governor Ryan Singson na tumanggap ng mga turista mula Baguio at iba pang kalapit na probinsya sa October 1, 2020. 

Para naman kay La Union Governor Francisco Emmanuel Ortega III, nais niyang gawin ang reopening sa kalagitnaan ng Oktubre. 

Maging ang mga Pangasinan officials ay sang-ayon din sa mungkahi ni Ortega. 

Hinihintay na lamang nila ang guidelines para sa online registration bago payagang pumasok ang mga turista sa kanilang lugar. 

Samantala, inanunsyo ng DOT na sasali rin sa tourism bubble ang Benguet. 

Facebook Comments