ILOCOS REGION HINDI KABILANG SA PILOT IMPLEMENTATION NG FACE-TO-FACE CLASSES

Inihayag ng Department of Education Region 1 na walang paaralan dito ang kabilang sa implementasyon ng face-to-face classes.

Ayon kay Cesar Bucsit, head ng Public Affairs Unit ng DepEd, nakapag-identify na ang DOH ng mga paaralan sa rehiyon na maaring magsagawa ng face-to-face classes ngunit kailangan pang magkaroon ng validation mula sa IATF.

Kabilang ang Don Domingo Magno Elementary sa Pozorrubio at Longos Elementary School sa Alaminos City ang naidentify na low risk sa COVID-19 at maaring magsagawa ng face-to-face classes.


Aniya, nasa 57 na paaralan sa rehiyon ang insiyal na naidentify sa nasabing programa ngunit kailangan pa ng balidasyon.

Nakatakdang simulan ang face-to-face classes sa bansa sa darating na November 15 sa 30 paaralan ayon sa DOH.###

Facebook Comments