Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bawang at sili ang bansa para sa taong kasalukuyan.
Base sa pinakahuling datos mula sa Ilocos Region’s High Value Crops Development Program, nakapag-ani na ng 3,700. 32 at 243.55 metric tons ng bawang ang lalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Lumilitaw na umabot na sa 54% ang sufficiency level ng suplay ng bawang sa rehiyon.
Ayon naman sa ulat ng Bureau of Plant Industry Allium Monitoring Team, may nakaimbak ngayong 42 MT na stock ng bawang ang Ilocos Region.
Nanatili namang nasa ₱100 kada kilo ang prevailing price ng bawang sa dalawang magkasunod na linggo noong Agosto.
Samantala, umabot naman sa 111.84 metric tons ang pinakabagong produksyon ng paminta (hot pepper) sa huling bahagi ng Agosto, habang ang siling haba ay nasa 260.50 MT, at 36.29 MT para sa sweet pepper.
Sa nakalipas na dalawang linggo,tumaas na rin sa ₱400 ang presyo ng Taiwan siling labuyo,mula ito sa ₱350 habang bumaba na sa ₱400 mula sa ₱600 ang presyo ng native na siling labuyo.