Pilipinas at Singapore, lumagda ng apat ng MOU sa state visit ni PBBM sa Singapore

65

Apat na Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Singapore ang nalagdaan sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., sa Singapore.

Ang mga kasunduang ito ay Memorandum of Understanding on Cooperation in Personal Data Protection sa pagitan ng National Privacy Commission (NPC) ng Philippines at ng Personal Data Protection Commission (PDPC) ng Singapore.

Pangalawa ay ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority of the Philippines at Enterprise Singapore for Singapore at Pilipinas para magkaroon ng business opportunities at development sa New Clark City sa Pampanga.


Pangatlo ay ang MOU sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System of the Philippines at Public Utilities Board of Singapore on water collaboration.

Arrangement sa pagitan ng Singapore Armed Forces at Armed Forces of the Philippines (AFP) may kaugnayan sa assignment ng Regional Counterterrorism Information Facility sa Singapore.

Facebook Comments