Pumalo sa 431 ang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Ilocos Region, Ayon sa Ilocos Center for Health Development 1.
Nagkaroon umano ng 28. 6% pagbaba ng kumpara noong August 21-27, 2022.
Sa nasabing kaso isa ang severe at apat ang naitalang nasawi.
22% naman ang ICU Bed Utilization ng rehiyon o 46 mula sa 212 na ICU beds ang okupado sa ngayon.
Ayon sa DOH-CHD1, sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon gawin ang BIDA
B – Best fitted mask all the time
I – Isolate when feeling sick* and seek consult at the nearest health facility IMMEDIATELY
D – Double-up protection with vaccination (primary series & booster)
A – Airflow exchange should be maintained.
Samantala, nasa 3. 7 milyong residente na ng rehiyon ang fully vaccinated o 88% ng target population na kailangang mabakunahan. | ifmnews
Facebook Comments