ILOCOS REGION, NALAMPASAN ANG TARGET NA MABAKUNAHAN SA MGA BATANG EDAD 12-17

Nalampasan na ng Ilocos region ang target na bilang ng kailangang mabakunahan kontra COVID-19 sa mga batang edad 12-17.
INIHAYAG ni DOH-CHD1 Regional Immunization Program Coordinator John Paul Aquino na isa ang Ilocos Region sa buong bansa na may mataas na bilang ng nabakunahan kontra COVID-19 sa mga batang edad 12-17.
Aniya, nasa 531, 78 na sa nasabing kategorya ang fully vaccinated. Lampas na ito sa target na 483, 893 na kailangang mabakunahan.

Nasa 559, 698 ang naturukan naman ng first dose.
Aniya, tuloy-tuloy ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa nasabing kategorya at inaasahan na dadami pa ang mahihikayat dahil nakatakdang isagawa ang school-based vaccination kasabay ng pagsisimula ng limited face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments