ILOCOS REGION, PUMAPANGALAWA SA BUONG BANSA NA MAY PINAKAMARAMING NABAKUNAHAN NG COVID-19 VACCINE MAGING SA NABIGYAN NG BOOSTER SHOT

Inihayag ni DOH-CHD1 Regional Director Dra. Paula Paz Sydiongco na pumapangalawa ang Region 1 sa buong bansa sa may pinakamaraming nabakunahan ng COVID-19 Vaccine.
Ito ang inihayag ng opisyal kasabay nang paglulunsad ng Oplan Iwas Paputok Campaign sa Pangasinan. Aniya, sa 1st at 2nd dose, 100% nakamit na ang target ng mga indibidwal na kailangang maturukan ng bakuna. Sa huling datos ng kagawaran mayroon ng higit tatlong milyong indibidwal ang fully vaccinated.
Sa 1st at 2nd booster nakapagtala na ng 40% na pumapangalawa din sa buong bansa. Sa 1st dose mayroon ng 1. 4 milyon ang nakakuha at sa second booster ay mayroon ng higit 300,000. Sa kabuuan, nasa higit 9 milyong bakuna na ang naiturok ng kagawaran sa eligible population.

Inaasahan na bago matapos ang taon ay makamit ang 50% sa mga kumukuha ng kanilang booster shot. Hinikayat nito ang publiko na umiwas sa pagpapaputok at magpunta na lamang sa mga vaccination sites upang magpabakuna laban sa COVID-19. |ifmnews
Facebook Comments