Patuloy na bumababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Region ayon sa Ilocos Center for health Development 1.
Base sa datos ng DOH-CHD1, nasa 292 na lamang ang natitirang aktibong kaso ng rehiyon.
153 dito ang Asymptomatic, 106 ang mild, 23 ang moderate at sampu ang severe.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer , wala ng critical covid-19 cases ang rehiyon.
Sa kabuuan, mayroon ng 93, 902 ang covid-19 cases sa region 1 kung saan 91, 493 ang gumaling habang 2, 117 ang nasawi.
Bagamat bumaba ang aktibong kaso sa rehiyon patuloy ang paalala ng DOH-CHD1, na sumunod pa rin sa minimum public health standard at magpabakuna. | ifmdagupan
Facebook Comments