Ilocos Sur, bubuksan na sa mga turista mula Luzon simula November 15

Muling tatanggap ang lalawigan ng Ilocos Sur ng mga lokal na turista mula Luzon kasama ang Metro Manila simula November 15.

Ayon sa Local Tourism Department ng probinsya, mahigpit na ipatutupad ang “Test before Travel” policy, kung saan nire-require ang mga turista na magpasa ng negatibong reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test result sa loob ng 72-hour period.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ikinalulugod nila ang ulat na ito mula kay Ilocos Sur Governor Ryan Singson.


Pinuri din ng DOT ang inisyatibo ni Singson na maibalik ang trabaho ng tourism workforce, mula sa mga kutcheros hanggang sa mga waiter, souvenir seller at tour guide.

Kilala ang Ilocos Sur sa mga makasaysayan nitong mga pasyalan tulad ng Vigan Heritage Village at Calle Crisologo, Plaza Salcedo Dancing Fountain, Bantay Bell Tower, Santa Maria Church at Plaza Burgos.

Facebook Comments