ILOCOS SUR PHO, NILINAW NA HINDI NAKUKUHA ANG LEPTOSPIROSIS SA DAGAT

Nilinaw ng Ilocos Sur Provincial Health Office (PHO) na hindi nakukuha ang leptospirosis sa tubig-dagat, taliwas sa mga kumakalat na post sa social media.

Ayon sa Disease Surveillance Unit ng PHO, ang sakit ay karaniwang nakukuha sa tubig-baha o putik na kontaminado ng ihi ng daga o hayop na may impeksyon, lalo na kung may sugat sa balat.

Sa Ilocos Sur, pito ang kumpirmadong kaso ng leptospirosis, kung saan isa pa ang ginagamot at anim na ang gumaling.

Pinaalalahanan ng PHO ang publiko na agad magpatingin sa doktor kung makaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan, o paninilaw ng mata. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments