Ilog Pasig, napabilang sa listahan ng “World’s Top Plastic Polluter”

Napabilang sa listahan ng “World’s Top Plastic Polluter” ang Ilog Pasig at 18 iba pang ilog sa Pilipinas.

Batay sa pag-aaral na ginawa ng Ocean Cleanup, isang non-profit organization na tumututok sa paglilinis ng mga karagatan, 20% ng 80% na plastic pollution sa buong mundo ay mula sa Pilipinas.

Nabatid na mula 1,656 na ilog na minomonitor at itinuring na plastic waste contributor, 466 ay mula sa bansa.


Ayon sa grupo, 356,371 metric tons ng plastic ang nakokolekta sa mga ilog sa buong mundo kada taon at 63,000 tons dito ay nakukuha sa Ilog Pasig.

Facebook Comments