Inilagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Iloilo sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula nitong Linggo, May 23 hanggang May 31, 2021.
Ito ay makaraang iapela ni Iloilo Mayor Jerry Treñas sa IATF na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso roon.
Samantala, mananatili rin sa MECQ hanggang katapusan ng buwan ang Apayao, Benguet, at Cagayan, sang-ayon na rin sa IATF Resolution No. 116-C.
Sa naunang Resolution No. 115-A ng IATF, pasok sa MECQ hanggang May 31 ang Santiago City sa Isabela, Quirino, Ifugao, at Zamboanga City.
Habang GCQ naman hanggang sa katapusan ng Mayo ang Abra, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at National Capital Region at ang nalalabing bahagi ng bansa ay sakop na ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).